Jump to User:

myOtaku.com: bluewagon


Saturday, January 21, 2006


   Armas ng katapangan

Lukso ng dugo kanilang naramdaman
Para sa bayan, ito'y paglilingkuran
Buhay man ang kapalit
Kamatayan ma'y masapit
Marinig lang ang sigaw ng bayan
Malaya na tayo! Kalayaan!

Puno ng pag-ibig para sa bayan
Pagsasakripisyo upang makamit'y kalwalhatian
Kalungkutan't sakit ay di iniinda
Titiisin, makamtan lang ang hangad
Sa kanilang mukha'y mauukit ang kadakilaan
Na siyang nagpahayag ng kanilang kabayanihan


*open for suggestion and comments :p*

Comments (0)

« Home