myOtaku.com
Join Today!
My Pages
Home
Portfolio
Guestbook
Quiz Results
Contact Me
E-mail
Click Here
Yahoo! Messenger
yume_erysd
Vitals
Birthday
1989-04-05
Gender
Female
Location
Philippines
Member Since
2005-01-18
Occupation
a wannabe writer, taga-alaga ng kapatid, student
Real Name
....
Personal
Achievements
to be alive and happy
Anime Fan Since
I watched TV and sawhow great it is!
Favorite Anime
Shaman King, Code Geass, Deathnote, Rozen Maiden, Haruhi Suzumiya no yuutsu
Goals
To be successful someday and to write the greatest novel mankind has ever read
Hobbies
write, read, sing, watch TV,
Talents
writing, drawing, singing, living happily
|
|
|
Saturday, October 8, 2005
ZoLe: Case 001
5:30 ng umaga, ang lugar ay sa Men’s Residence Hall (aka Men Dorms). Malamig ang umagang iyon at madilim ang kalangitan. Halatang maulan nanaman ang araw na ito. Ang guwardiya ng Dorm ay nagbabantay sa may pinto, nag-aabang ng mga nag-overnight permit na pabalik na. Mula sa malayo nakatanaw siya ng isang nilalang na papalapit. Tinitigan niya ito ng mabuti dahil parang hindi isang estudyante ang papalapit. Kung tutuusin talaga parang hindi nga ito tao. Papalapit ito ng papalapit at mula sa likuran ng isa may sumusunod na marami. Parami sila ng parami at papalapit ng papalapit.
6:00 ng umaga, sa kwarto sa pinakakanan na sulok ng Men’s Dorm. Mahimbing ang tulog ng apat na babae. Makadikit na doubledeck ang mga kama nila. Malapit sa pinto ang isang doubledeck habang ang isa naman ay malapit sa bintana. Maingay ang paligid, maraming mga sumisigaw, at may tunog ng mga helicopter na maririnig. Naingayan ang isa sa mga residente ng silid lalo na si Joy na nagpapuyat kagabi. Nakahiga siya sa kama sa itaas ng double deck na malapit sa bintana.
“Ano ba yan? Ang ingay.” Bulong nito. Ngunit may nagsigawan nanaman.
“Ano bay an! Ang ingay! Manahimik nga kayo!” Sigaw muli nito na ngayon ay mas malakas na. Matapos niyang sumigaw ay hindi muna siya bumangon at napatulog muli.
Dahil sa pagsigaw nito nagising na ang nakahiga sa kabilang banda sa itaas ng doubledeck. Napabagon ang babaeng may maikling buhok, nagkusot ng mata at nag-unat. Maya-maya pa ay hinila na niya ang tuwalya mula sa sabitan nito para makaligo na. Napatingin na rin siya sa baba at doon pa lang niya napansin na may isang tao na nakatayo sa gitna ng kwarto nila. Dahil malabo ang mata ni Lorenz ay hindi muna siya makapaniwala. Kinuha niya agad ang kanyang salamin at sinuot upang tignan ang tao muli. Tao nga siya. Mahaba ang itim na buhok at malamlam ang mga mata ng lalaking nakatayo sa gitna. Napatili siya agad at tinuturo ang lalaki.
“Bakit may lalaki sa kwarto namin!” sigaw ni Lorenz.
Naalimpungatan naman ang nakahiga sa baba ni Joy na si Lyz. Napabangon siya at sinuot agad ang salamin.
“Lalaki?” taka nito nang makita ang lalaking nakatayo, “sinong nakaiwang bukas ang pinto kagabi?” sisi nito.
Ang nasa baba naman ni Lorenz ay nagising na rin ngunit nakahiga lang habang nakatitig sa lalaki. Nagtataka rin ito ngunit sa isang kakaibang dahilan parang nagwagwapuhan siya sa lalaki. Kung anime nga lang talaga sila ay kanina pa nakokorte ng puso ang mga mata ni Ria.
Ang huling bumangon ay si Joy na ngayon ay kinukusot ang mga mata niya. Napatingin siya sa lalaki at napakurap.
“Hello ako nga pala si Joy, ikaw sino ka?” masayang bati nito habang kumakaway.
Hindi naman sumagot ang lalaki bagkus ay nakatingin lang siya sa kanila. Agad na may narinig itong kumakaluskos sa screen ng binata ng kwarto. Lumakad patungo sa bintana ang lalaki habang sinusundan siya ng tingin ng mga babae. Hinawakan ng lalaki ang kurtina at itinabi na para bang may pinapakita siya sa mga bata.
Nanlaki ang mga mata ng mga babae sa nakita. May mga kakaibang nilalang kasi sa labas ng kwarto nila na para bang nagpupumilit na pumasok.
“Sino…” wika ni Lorenz
“Ka?” tuloy ni Ria
“At…” sunod agad ni Joy.
“Ano…” tanong ni Lyz.
“YAN!” sabay-sabay na sigaw ng apat habang nakaturo sa labas.
Napabuntung-hininga naman ang lalaki at lumakad muli sa gitna. Bumaba na mula sa kama sina Joy at Lorenz habang si Lyz ay parang may hinahanap na gamit. Si Ria naman ay naupo lang sa kama niya at tinititigan ng mabuti ang lalaki. Inalok ni Lorenz ng upuan ang lalaki at naupo naman ito. Si Joy naman ay sumampa sa lamesa nila upang makita ng mabuti ang mga nilalang habang nagpupumilit na abutin sila.
Ang mga nilalang na ito ay may kakaibang berdeng balat na parang sa isda. Parang mga syokoy ang pangkalahatan nilang hitsura.
Si Lyz naman ay nakaupo rin sa lamesa at tinititigan ang mga nilalang habang hinahanap sa laptop niya kung ano ang mga ito.
“Wala yan diyan.” Wika ng binata na nagpakuha ng atensyon ng apat.
“Ang gwapo ng boses niya.” Kinikilig na wika ni Ria.
“Anong wala?” tanong ni Lyz habang napapatango lang si Lorenz.
Si Joy naman ay nilalaro na ang mga nilalang. Tinutusok-tusok ng kanyang daliri ang screen at kinakawayan ang mga nilalang. Mukhang tuwang-tuwa si Joy. Maya-maya pa ay napaluhod na siya sa lamesa at binuksan ang screen, unti-unti niyang nilabas ang kanyang kamay para mahawakan ang kalingkingan ng daliri ng nilalang. Matapos madampi ay binunot niya agad ang kamay niya at aliw na aliw.
“Ano bang ginagawa mo? Mapanganib yan!” sigaw ng binata.
“Bakit naman?” Tanong ni Lyz na ngayon ay hindi pa rin nahahanap ang hinahanap niya sa kanyang laptop.
“Oo nga at anong kailangan mo sa amin?” tanong ni Joy.
“Bakit ka nga ba narito?” dagdag ni Lorenz.
Napag-isip-isip ng lalaki na dapat na nga niyang sabihin ang lahat bago mahuli pa.
“Kulang na ako sa oras kaya paiigsiin ko na lang ang kwento.” Wika nito, ngunit habang nagsasalita siya nilalaro na muli ni Joy ang mga nilalang.
Napaubo ang lalaki.
“Kaya kailangan makinig kayo sa kin.” Asar na wika nito.
“Ah, ganun ba… sabi ko nga tahimik na ko.” Wika ni Joy.
Napapatawa lang naman si Lorenz.
Comments
(0)
« Home |
|